Wednesday, December 28, 2011

Bambang, Bocaue winners

Tagumpay ang proyektong “Nagkakaisang Kabataan, Ilaw ng Kapaskuhan ”sa Brgy. Bambang, Bocaue sa pangunguna ni SK Chair Aaron Andres.

Ito ay ang pagdedekorasyon sa bawat purok ng barangay kung saan ay nakilahok ang mga kabataang maging ang iba pang mga residente.

Ang lansangan ay pinalamutian ng makukulay na dekorasyon, samantalang pinanatili ang kalinisan.

Nasungkit ng Purok 5 ang unang karangalan kasamaa ng premyong P15,000.

Kasunod ay ang Purok 4 na may premyong P10,000, at ang Purok 3 na may premyong P7,000.

Nasungkit din ng Purok 5 ang "Best Belen", samantalang ang "Best Arc" ay nakuha ng Purok 2 at ang Purok 6 ay nakuhan ang karangalan para sa Best Christmas tree.

Purok 5, 1st place


Purok 4, 2nd place

No comments:

Post a Comment