Pasko na naman, at hindi nagpahuli ang Bulacan sa pagsasagawa ng isang makulay na pagsalubong noong Huwebes, Disyembre 15 ng gabi. Tinagurian itong "Pasiklab sa Bulacan" na tinampukan ng awitan, pahayag ng mga paalala, pagpapailaw ng higanteng Christmas Tree at kahanga-hangang fireworks display na umabot ng 10-minuto. Narito ang ilan s amga larawang nakuha ng Mabuhay Online.
|
COUNTDOWN. Bago tuluyang sindihan ang mga ilaw sa higanteng Christmas Tree, pinangunahan ni Gob. Wilhelmino Alvarado ang countdown, samantalang ang daliri ni Health Secretary Enrique Ona ay nasa switch at nakamasid ang ilang pang opisyal |
|
SINGING PRESIDENT. Ang pagsisimula ng palatuntunan ay tinampukan ng mga awitan. Hindi nagpahuli si Dr. Mariano De Jesus, ang presidente ng Bulacan State University sa pag-awit ng "Pasko na sinta ko." |
|
CHRISTMAS MESSAGE. Bilang pag-alala sa kalamidad na nanalasa sa Bulacan nitoing Setyembre at Oktubre, hinikayat ni Gob. Alvarado ang mga Bulakenyo na patuloy na magmahalan, magkaisa at magtulungan para sa patuloy na pagbangon. |
|
LIGHT UP. Ito ang higanteng singkaban Christmas Tree sa harap ng kapitolyo. Ito ay gawa sa kawayan. |
|
STOP, LOOK & LISTEN. May paghang pinanonood ng lalaking ito ang fireworks display sa harap ng kapitolyo noong Disyembre 15 ng gabi. Isa siya sa maraming motorista na pansamantalgn tumigil sa biyahe at pinagmasdan ang makulay na pailaw sa himpapawid. |
|
LIWANAG SA DILIM. Kapansin-pansin ang singkaban Christmas tree na ito sa harap ng kapitolyo lalo na kapag may ilaw sa gabing madilim. Ang larawang ito ay kuha habang isinasagawa ang fireworks display. |
No comments:
Post a Comment